May mga mayabang din pala dito.

Akala ko lahat ng tao dito ok. May mayabang din pala. May isa akong kasama sa trabaho, nagpapaturo sa akin, kung bakit hindi gumagana yung ginawa n’ya. So ako naman sabi ko sige, ok lang, tinignan ko, and napakita ko rin ang mali. Tapos sabi ko kung gusto mo pang matuto tungkol sa teknolohiya na ‘yan, pwede ka mag aral sa site na ito, ni hindi pa ako tapos magsalita, sinapawan boses ko, sabi, pagaaralan ko rin naman ‘yan sa paaralan, ‘yun na ang susunod na topic namin. Ako ugali ko, lahat ng tao willing magturo, at pag masmadaming resources, masmaganda. Masmatututo at masmagandang makakita ng iba’t ibang paraan kung paano gawin and trabaho. Tapos ibang isidente naman, sabi nung isang kasama ko, nakipag talo daw ako sa boss ko para gumamit ng ibang program na gawa ko mismo and hindi yung offered ng kumpanya. Aba humirit ulit… sabi, sigurado naman ako madaling gamitin ang offer ng kumpanya, ba’t ayaw mo gamitin? Nyack?!? Natural madali. Hindi ko naman ayaw gamitin kasi nahihirapan ako, ayaw ko gamitin kasi pangit. Masmahirap pa nga ang gagawin ko, kasi hindi pa nagagawa, simula sa simula gagawin ko. Pero syempre, ako si Benj, na mula pa nung bata, smile lang ako. Hindi ko na kailangan makipagsabayan sa pataasan ng ihi. Pupurihin ko pa s’ya! Ang galing mo ah. Tuwang tuwa naman s’ya. Nyhahahaha.

About Author:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *